Nagpatotoo ang komedyante at direktor na si John “Sweet” Lapus na mabuting tao ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Hulyo 20, sinabi niyang mabait daw talaga ang aktres.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Mabait talaga si @dealwithBARBIE minsan nilapitan pa nya ako sa sinehan para lang mag hello at ipakilala si Jack to think na magkalayo kami ng upuan,” sey ni Sweet. 

[embed]https://twitter.com/KorekKaJohn/status/1681715492384538624[/embed]

Nagpasalamat naman si Barbie sa sinabi ng direktor.

"Maraming salamat po, Direk @KorekKaJohn. sana po magkawork po tayo ulit," anang aktres.

[embed]https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1681782030248607744[/embed]

Nangyari ang pahayag na ito nang mapag-usapan ang latest vlog ng aktres na si Ivana Alawi kung saan nabanggit nito na si Barbie ang pinakamabait niyang nakatrabaho ng GMA artist.

Maki-Balita: Ivana Alawi, sinabing si Barbie Forteza pinakamabait na nakatrabahong GMA artist

Sumagot naman si Barbie sa naging papuri sa kaniya ni Ivana.

“Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona. Hi po tita!” sey ni Barbie.

Maki-Balita: Barbie Forteza, may sagot sa papuri ni Ivana Alawi