Pumirma ng kontrata si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa “Sparkle” GMA artist center bilang pinakabagong Kapuso artist.

Sa Instagram post ni Celeste nitong Huwebes, Hulyo 20, sinabi niyang masaya at grateful siya dahil matatawag na niyang tahanan ang GMA Network.

Happy and grateful to finally call GMA my home,” ani Celeste.

Dumalo sa naturang contract signing sina, Ms. Annette Gozon-Valdes, GMA's Senior Vice President; Ms. Joy Marcelo, Sparkle's Vice President; at Ms. Tracy Garcia, Senior Talent Manager.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagpasalamat naman ang beauty queen sa ibinigay na tiwala at pagsalubong sa kaniya ng mga nabanggit na personalidad sa naturang contract signing.

Thank you very much @annettegozonvaldes @joymarcelo1115 @tracymgarcia for the trust and for welcoming me,” aniya.

Nagpasalamat din si Celeste sa kaniyang manager na si Ranvel Rufino.

“And of course to my manager @ranvelrufino 🤍,” dagdag pa niya.

Mukhang hindi naman maitago ang excitement sa beauty queen at sinabing proud to be Kapuso na agad siya.

“I’m excited for what’s to come. Proud to be Kapuso,” sey pa ni Celeste.