Tila sinakyan ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda ang isyu hinggil sa viral video ng isang fan sa "pagtaboy" sa kanila ni Broadway Diva Lea Salonga nang tangkain nilang pasukin ang dressing room nito upang magpakuha ng larawan kasama niya.

Mainit na pinag-usapan ito sa social media at talagang inulan ng samut-saring komento mula sa mga netizen.

May mga pumanig sa fan, subalit mas lamang ang pumanig kay Lea.

Sang-ayon ang mga netizen sa pinakawalang tweet ni Lea na "Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you."

Vice Ganda, kalmadong pinagsabihan ang nanabunot sa kaniya habang nasa venue ng concert sa Canada

Sa "Rampanalo" segment ng It's Showtime nitong Miyerkules, Hulyo 19, humirit ng biro si Vice nang sabihin ng isang napiling kalahok mula sa madlang people live audience na idol niya si Vhong Navarro.

"Sige abangan mo mamaya si Vhong sa dressing room," sey ni Vice.

Sinansala naman ito ni Tyang Amy Perez dahil may sinusunod daw silang protocols.

Samantala, sa kaniyang latest Instagram post ay tila ginaya ni Vice ang tweet ni Lea.

"I have boundaries. Do not cross them. Or my babies will eat you!," aniya habang siya ay nasa bandang gilid ng kaniyang grandiyosong bahay, kasama ang apat na naglalakihang fur babies.

 

Kung matatandaan, inireklamo ni Vice ang isang fan na humatak sa buhok niya habang nasa concert niya sa bansang Canada.

Pigil at kalmadong hinarap ng komedyante ang sumabunot sa kaniya habang haplos-haplos ang kaniyang mahabang wig sa ulo. Ang mga tao nakatanghod sa eksenang nagaganap. Hindi ito pinalagpas ng komedyante-TV host.

“Don’t do that, don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me. Don’t do that, that’s very rude. Yah, I’m trying to give you a wonderful time but you don’t hurt me. That’s not right. We want to be friends here. Don’t hurt me, di ba.”

Hiyawan sa pagka-sad ang mga tao lalo nang sabihin ni Vice na this guy is very rude. Napag-alaman pa niya na girlfriend yung kasama ng lalaki. Kaya hirit niya both of you are very rude.