Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatuloy ang food stamp program ng pamahalaan kapag nasimulan na ito.

Binanggit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Huwebes, may pondo upang mapanatili ang programa na mapakikinabangan ng mahihirap na pamilya sa bansa.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

"The president in his statement already said economic managers also assured us that they will have the corresponding allocation to sustain it," ani Gatchalian sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

Ngayong linggo aniya ay ilulunsad ang pilot study ng programa sa Cagayan Valley, Bicol Region, Caraga at Bangsamoro.

Nasa 3,000 pamilya ang magiging benepisyaryo ng pilot run ng programa.

Sumuporta na ang Asia Development Bank sa programa matapos itong pondohan ng P160 milyon.