Walang pinalad na makapag-uwi ng ₱72 milyong premyo ng Super Lotto 6/49 ngayong Thursday draw, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa bola nitong Huwebes, Hulyo 20, walang nakahula sa winning combination na 43-02-04-46-30-07 ng Super Lotto 6/49 na may katumbas na premyong ₱72,322,903.60. 

Wala ring pinalad na makapag-uwi ng ₱18,132,604.20 na premyo ng Lotto 6/42 mula sa winning numbers na 28-23-22-18-19-36. 

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga papremyo sa susunod na bola. 

Ang 6/49 ay binobola kada Martes, Huwebes, at Linggo. Ang 6/42 naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. 

May be an image of text