Ibinahagi ng Kapuso actress na si Vaness Del Moral sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ang hindi niyang malilimutang karanasan sa “StarStruck.”
Itinanong sa kanila ng King of Talk kung anong karanasan ang hinding-hindi niya malilimutan noong sumali sa naturang reality show.
“Ano ‘yong pinaka-unforgettable moment ninyo sa StarStruck?” tanong ni Tito Boy.
Natatawa naman itong sinagot ni Vaness dahil hindi man lang daw siya umabot sa acting challenges at naalis agad sa programa.
“Unforgettable moment, siguro sa akin po Tito Boy, ‘yong hindi man lang ako umabot sa mga acting challenges tapos na-eliminate ako kaagad,” aniya.
“Pero nagpa-practice ka na sana noon?” pasundot na tanong ng King of Talk.
Sinagot naman iyon ni Vaness at may kwelang hirit pang ibinahagi.
“Opo, grabe ‘di ba, medyo ganoon kalaki ‘yong hang-up ko sa StarStruck. Pero ‘yon din, masaya ako, pero ‘yon, ‘yong isa sa mga memorable na hanggang makeup challenge lang ako umabot,” huling sey ni Vaness sa nasabing topic.
May huling hirit pa sa kaniya si Tito Boy na sinabing hindi niya talaga malilimutan ‘yon.
“Oh, hindi mo talaga malilimutan ‘yon,” aniya.
Kasabay sa panayam kay Vaness ang Bubble Gang comedy actor na si Sef Cadayona.
Makasasama rin ni Vaness sina Bea Alonzo, Dennis Trillo at Andrea Torres sa upcoming series na “Love Before Sunrise” na kolaborasyon ng GMA Network at Viu Philippines.