Proud at masayang ibinahagi ng Kapuso actress na si Arny Ross ang kaniyang pagiging “breastfeeding mom” sa anak na si Baby Jordan Franco.

Sa Instagram post ni Arny nitong Martes, Hulyo 18, bukod sa makikitang larawang tila may breastfeeding shoot na tema. Ngayon namang Miyerkules, Hulyo 19, ipinagdiriwang ang kaniyang ika-32 na kaarawan.

Happy, Contented and Proud Breastfeeding Mom at 32 ❤️ Everything has changed, and yet, I am more than ‘me’, I am now a mother. Enjoying and treasuring every minute of motherhood, breastfeeding my baby every single day. Haaaayyy best feeling, best accomplishment, best moments of my life!” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa kaniyang anak dahil sa pagpaparamdam nito umano sa kaniya ng pagiging buo at kumpleto.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Thank You Baby Franco for making me feel complete and whole! Thank you for making me a Mom,” aniya.

Nagpasalamat din si Arny sa Panginoon at sa lahat ng nagbigay-greetings sa kaniyang kaarawan.

“Lord thank you for giving me another year to live, wishing a more healthy and happy life for me to stay healthy also and strong for my family!❤️ Thank you everyone for all the birthday greetings🎉,” dagdag pa niya.

Bahagi si Arny sa  Philippine comedy sketch gag show na “Bubble Gang” sa GMA Network na napanonood tuwing Linggo sa ika-6 ng hapon.