Guest sa "E.A.T" nitong Hulyo 18, 2023 ang reel at real Kapamilya couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, upang i-promote ang seryeng "Pira-Pirasong Paraiso" na kauna-unahang co-production ng ABS-CBN at TV5.

Sinalubong sina Loisa at Ronnie nina Allan K at Miles Ocampo na dating Star Magic artist.

Pinabati naman ni Miles ang dalawa sa mga Dabarkads.

"Hello, Dabarkads!" sey ni Loisa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Nang si Ronnie naman ang babati, "What's... hindi, hindi, hello Dabarkads!"

Si Ronnie ay dating miyembro ng "Hashtags," ang all-male group sa noontime show na "It's Showtime," na katapat ng E.A.T.

Ang "What's up, Madlang People!" ay sikat na pagbati ng It's Showtime hosts at guest stars sa mga tagasuporta at manonood, live audience man, sa telebisyon, o sa online.

Tawang-tawa naman ang apat sa paandar ni Ronnie.

"Nalilito na mga Kapatid!" ani Miles.

Sa huli, inanyayahan nila ang mga Kapatid audience na panoorin ang kanilang serye sa TV5.