Ibinahagi ng actor-TV host na si Vhong Navarro ang naramdamang kagalakan sa tagumpay ng premyadong direktor na si Chito S. Roño.

Sa Instagram post ni Vhong nitong Linggo, Hulyo 16, bukod sa makikitang kasama nila ang nasabing direktor, kapansin-pansin din ang muli nilang pagsasama-sama ng Street Boys.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Successful ang surprise! Masaya kaming maging bahagi ng espesyal na araw na ito. Congratulations, Boss Chito Roño sa Lifetime Achievement Award! 🏅Truly deserving! 🙌🏼,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post. 

Ayon pa kay Vhong, walang makapapantay sa umano’y kontribusyon ng direktor sa industriya ng pelikula.

“Talagang hindi mapapantayan ang mga kontribusyon mo sa industriya! We love you, Boss at proud na proud kaming mga Streetboys sa’yo! 👐🏻✨🏅 Salamat po PMPC Star Awards ❤️🙏🏻,” ani Vhong.

Ginawaran si Chito S. Roño ng “Lifetime Achievement Award” sa ginanap na 38th PMPC’s Star Awards for Movies nitong Linggo ng gabi, Hulyo 16, 2023.

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa direktor na nagbigay-komento:

The best director! lalo na sa mga horror films.”

“Congratulations direk chito deserve mo po yang award.”

“Season 3 po sana ng spirit warriors please. congrats direk chito.”

“Congrats Sir Chito!”

“Congrats po Direk!”

“Congratulations Direk, you look good..it looks like you lost a lot of weight.”

“congratulations po!!”

Matatandaang bumida ang grupong Street Boys sa pelikulang “Spirit Warriors” sa direksyon ni Chito Roño noong 2000 at nasundan ng sequel noong 2003.