Naganap na nga ang pag-guest ng Kapuso singer-actress at tinaguriang "Asia's Limitless Star" na si Julie Anne San Jose sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" nitong Lunes, Hulyo 17, 2023.

Kung tutuusin, first time mapanood si Julie Anne sa isang Kapamilya show kaya markado at makasaysayan ito para sa kaniya.

Nangyari ito dahil umeere na rin sa GTV channel ang It's Showtime, na nagkaroon ng pasabog na grand launch noong Hulyo 1, na dinaluhan ng ilang homegrown Kapuso at dating Kapamilya-turned-Kapuso stars, kabilang ang jowang si Rayver Cruz.

Kaya naman, sa pag-welcome ng Showtime hosts ay biniro nila si Julie Anne kay Rayver, na sana raw ay sinamahan siya.

Julie Anne, magge-guest sa 'It's Showtime;' makaharap kaya si Jolina?

Sey naman ni Julie Anne, may iba raw pinagkakaabalahan ang boyfriend na kasama niya sa pelikulang "The Cheating Game" na malapit nang maipalabas sa mga sinehan.

Pag-amin naman ng "The Voice Generations" coach, na-starstruck siya nang makaharap na ang It's Showtime hosts.

Hangad naman nina Vice Ganda na hindi ito ang unang beses na tatapak sa Showtime studio ang singer-actress.

Bukod sa kaniyang performance ay kabilang din si Julie Anne sa mga humawak ng kahon sa "Rampanalo" segment.

Sa kaniyang tweet ay nagbigay naman ng appreciation message si Julie Anne sa show.

"Maraming salamat @itsShowtimeNa! Much much fun and love 🤍🙏🏻," aniya.

https://twitter.com/MyJaps/status/1680812947915038720

Bumisita rin si "Japs" sa "Showtime Online U" matapos ang kaniyang appearance sa Rampanalo.

Linggo ng Hulyo 16 nang i-anunsyo sa It's Showtime FB page ang pag-guest ni Julie Anne sa noontime show. Marami pa nga ang nag-asam na sana raw ay magkaharap sila ni Jolina Magdangal, na paminsan ay naghuhurado sa "Tawag ng Tanghalan."