Tila may diretsahang hirit ang Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Nicole Budol o mas kilalang “Hipon Girl” sa founder ng Miss Grand International na si Nawat “Angkol” Itsaragrisil.

Sa Facebook post ni Herlene nitong Biyernes, Hulyo 14, makikita ang kaniyang shared post mula sa isang netizen na tampok ang kaniyang larawang kuha sa ginanap na Miss Grand International Philippines 2023, kung saan nanalo naman siya bilang Miss Tourism World Philippines 2023.

Pakiramdam umano ng mga netizen ay tila hindi masaya ang facial expression ni Budol sa nabanggit na larawan, kaya inuntag nila ang beauty queen kung hindi ba ito masaya sa pagkapanalo bilang Miss Tourism.

Tila idinaan naman daw sa pabirong hirit ni Herlene ang pagkapanalo niya sa nabanggit na title.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kasi sinayang ni angkol, kaya sa Miss Tourism tayo tatambling ng bongga,” mababasang caption sa kaniyang Facebook shared post.

Samu’t saring komento naman ang mababasa mula sa netizens na nagbigay-komento:

“The difference between you and the other girls who competed two or three times in beauty pageants is that they have improved. I felt that your management was only after fame and money and never took training you seriously.”

“For me lang parang ang bitter nung dating nung "Kase sinayang ni angkol". Wala namang sinayang. Nasobrahan lang siguro yung expectation mo.”

“Try to enjoy the moment when your are on the stage, don’t look defeated, and also your smile is so limited when your in the stage, show that beautiful teeth. You are beautiful Herlene.”

“Paanong sinayang ni angkol??”

“Communication skills is very important.”

“Mima wag tayong mag mukhang bitter! I support you all the way pero be thankful sa nakuha na crown Ms.Tourism International is one of the great platform that you can showcase your advocacy, beauty and brain.”

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang beauty queen-actress sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya ng mga netizen.