Hanggang Agosto 6, 2023 na lamang sa ere ang "Happy ToGeTher," kauna-unahang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network.

Sa opisyal na pahayag ng GMA at Crown Artist Management, kinumpirma nilang magtatapos na ang nabanggit na show, na nagtampok sa iba't ibang Kapuso leading ladies para kay Loydie.

Ang Crown Artist Management ay talent agency na may hawak sa career ng premyadong aktor, na co-managed ng engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nunez.

Kahit matsutsugi na sa ere, hangad pa rin ng dalawang kampo na muling magkaroon ng future collaborations.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napapanood tuwing 6:50 ng gabi ang show ni John Lloyd tuwing Linggo.

Photo courtesy: GMA Network/FB

Hindi naman nabanggit kung ano ang dahilan ng pagwawakas nito. Hindi pa rin sigurado kung "what's next" na ba kay John Lloyd sa Kapuso Network pagkatapos ng nabanggit na sitcom.

Nagsimulang umere ang sitcom noong Disyembre 26, 2021.