Aminadong inamin ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, ang isa niyang kaugaliang taglay pagdating sa usaping “third-party.”

Diretsahang inihayag ng aktres na kaya niya raw komprontahin ang involve na third-party sa isang relasyon, sa kaniyang interview kay Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

Inusisa siya ni Vice tungkol sa pangongomprontra sa third-party.

“Oh, beshy. Kaya mo bang mang-confront ng third-party?” tanong ni Vice.

Andrea Brillantes, hindi sang-ayon sa ‘cancel-culture’ ng Gen Z

Direkta naman itong sinagot ni Andrea.

“Ay oo, kaya ko po,” aniya.

“Talaga? You will not take-it sitting down or ‘yong bait-baitan,” pasundot pang tanong ni Vice.

“Ang ano po kasi, lagi kapag tatanungin siguro ‘pag ‘yong ex ko lagi niyang sasabihin ako ‘yong controlling, lagi ako ‘yong possessive, lagi akong tama.”

“Lagi po akong tama,” pagbibigay-diin pa niya.

Saad pa ng aktres na lagi niyang napatutunayang tama ang kaniyang mga hinala.

“Napapatunayan ko siya, all the time. Kaya lahat ng friends ko naman magso-sorry sila sa akin after, na ‘sorry kumampi ako tama ka pala in the end,’” ani Andrea.

Itinanong naman ni Vice kung sa paanong pamamaraan siya nangongomprontra.

“So paano ka nagko-confront ng third-party?” tanong ni Vice.

“Kapag may proof lang, kapag may proof lang…,” sagot ni Andrea.

Itinanong din ni Vice kung nagawa niya na iyon.

Sagot naman ni Andrea, isang beses niya pa lang nagagawang mangompronta ng isang babae.

Huling tanong pa ni Vice kung paano raw niya kino-confront o kinakausap ‘yong boyfriend or ka-relationship niyang isang cheater.

“Paano ba kino-confront o kinakausap ‘yong boyfriend or ka-relationship mo na cheater. Is there a specific way para i-confront ang cheater, paano ba sila napapaamin, umaamin ba sila?” huling tanong ni Vice.

“Sadly no. Parang ‘yong iba half lang ang aaminin nila eh. Hindi po talaga sila umaamin. Kaya kapag nakita mo na, pinakita na sa’yo ni Lord ang dapat mong makita, alam mo na ‘yong gagawin mo, kung talagang bina-value mo ‘yong self mo,” huling sey ni Andrea sa nasabing topic.

Napag-usapan din sa vlog ang tungkol sa opinyon ni Blythe sa "cancel culture" ng gen z.

Sinagot din niya ang tanong ni Vice kung ayaw na niya sa isang "basketball player."

https://balita.net.ph/2023/07/17/tanong-ni-vice-ganda-kay-andrea-ayaw-mo-na-sa-basketball-player/