Nananatiling wala pa ring talo ang koponang Creamline “Cool Smashers” matapos ang bakbakan kontra Akari “Chargers” sa PhilSports Arena.

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League nitong Biyernes, Hulyo 15, makikita ang score sets tally na, 19-25, 26-24, 24-26, 19-25 na umabot sa apat na sets at pumabor sa Creamline.

Dahil sa pagkapanalong iyon ng “Cool Smashers,” nananatili silang “undefeated” sa Premier Volleyball League na may 4-0 win-loss record habang hindi pa rin nakakamit ng “Chargers” ang kanilang unang panalo na may 0-3 namang win-loss record.

Sa kabilang banda, nasa no. 1 standing ang Creamline sa kategoryang “Pool A” na may kabuuang 12 na puntos.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sa huli, nakamit ng “opposite spiker” na si Jema Galanza ang “Player of the Game” na siyang nagkamit ng kabuuang 16 points na mula sa kaniyang 13 attacks, 1 block at 2 aces.