Tila proud na shinare ni John Prats na siya ang “happiest third wheel” para sa engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Hulyo 16, ibinahagi ni John ang isang cute na larawan kung saan napagitnaan siya ng celebrity couple na sweet na magkahawak ng kamay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

“Nakakaistorbo ba ako?🤣,” kwelang caption ni John sa naturang post. “Ako naman ngayon ang happiest 3rd wheel nyo.”

“Super happy ako para sa inyo🫰🏼 Love you both.❤️ CatSam Forever,” saad pa niya.

Agad namang nagbigay ng komento ang netizens na naaliw sa post ni John. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Love this!!! Forever 3rd wheel!!!! 😂”

“Waahahahaha Love it ❣️ #3rdwheel4life ❤️❤️❤️.”

“lovely couple!”

“Getting married na? ❤️😍 yiieeee 🤗🤗.”

“Ninong daw po kayo😍✌🏻.”

Matatandaang noong buwan ng Pebrero nang opisyal na inanunsyo nina Catriona at Sam ang kanilang engagement.

MAKI-BALITA: Anne Curtis, binati ang ex na si Sam Milby, Catriona Gray sa kanilang engagement; fans, napa-react!