Walang pag-aalinlangang sinagot ng Kapamilya actress na si Elisse Joson sa kanilang press conference ng teleseryeng "Pira-pirasong Paraiso," ang katanungang may kinalaman sa pagpapagawa o pagpapaayos ng kaniyang mukha.

Inusisa ni Ogie Diaz sa aktres kung may pinagawa o pinaayos raw ba siya sa kaniyang mukha.

Direkta naman itong sinagot ni Elisse.

“I think each one of us kasi or lahat naman ng babae maraming insecurities ‘yan, specially growing-up, specially the teenage years and since pinasok namin ‘yong showbiz industry talagang the tiniest detail physically mapi-pinpoint sa bawat-isa,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inihayag pa ni Ellise na dahil umano sa kaniyang insecurities kaya’t may maintenance para ma-achieve ang confidence na gusto niya.

“So, I think bilang artista or ako personally ah, I’ll just answer for myself, mayroon talagang maintenance na tinatawag diyan ang bawat artista na ang hirap naman kung isa-isahin kung ano ang kailangan naming… Kasi ‘di ba insecurities nga po namin ‘yon, so we know for ourselves na mayroon kaming ginawang maintenance or help para syempre ma-achieve the confidence that we want to achieve pero I think for me it's normal kung ano man ‘yong gusto mong i-achieve sa sarili mo,” dagdag pa niya.

Sa huli, aminado naman ang aktres na may maintenance siya bilang babae at isang artista.

“Answer ko sa sarili ko, I have maintenance for myself na as a babae and as an a artista ginagawa ko rin po,” huling sey ni Ellise sa nasabing topic.

Kasama ni Elisse, sila Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Loisa Andalio na mga bibida sa teleseryeng “Pira-pirasong Paraiso” na kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 sa Hulyo 25, 2023