Panibagong “blind-item” ang muling pinag-usapan ng talk show host na si Cristy Fermin at ng kaniyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez tungkol sa isang young singer na winner sa kaniyang retoke.
Sa latest YouTube video na Showbiz Now Na nitong Sabado, Hulyo 15, bukod sa mga usaping showbiz, huling napag-usapan ng mga nasabing hosts ay ang kanilang pa-”blind-item.”
Sinimulan ni Romel ang kanilang chikahan sa pagsabing, isang napakahusay na babaeng singer at nagkampeon sa sinalihang kompetisyon sa telebisyon umano ang tinututukoy nila sa nasabing blind-item.
Ayon pa kay Romel, talagang mahusay sa pag-awit ang singer ngunit kulang talaga ang kaniya raw presensya noong panahong lumahok sa sinalihang kompetisyon.
Kaya’t nang nanalo na ang singer ay lumaki na ang chance na puwede na raw dagdagan ang kakulangan nito.
Dagdag pang chika ni Romel, hindi na rin daw umano nagpa-atubili pa ang singer nang magkaroon na ng sapat na ipon at agad na nagtungo sa clinic para magparetoke.
Sa kabila nito, tila maganda at panalong-panalo naman daw ang kinalabasang hitsura ng singer sa kaniyang naging pagpapaayos.
Pati si Cristy ay hindi rin maitago ang kaniyang pagkamangha sa bagong looks ng singer.
Sa kabilang banda, may kwelang kwento pa si Romel sa singer dahil noong umuwi na raw ito sa kanilang probinsya ay hindi na siya nakilala ng kaniyang nanay at inakala pang isang foreigner.
Sa huli, ginamit nila ang tawag sa mga bansa upang kumpletuhin ang una hanggang huling letra ng pangalan ng singer.
May sey naman si Cristy bago matapos ang kanilang pa-blind-item, na hindi kailanman naging kasalanan ang mangarap na gumanda.