Labis ang pagmamahal at pag-aalagang ibinibigay ng Kapuso actor na si Alden Richard sa kaniyang bagong “mama” na si Sharon Cuneta.

Sa Instagram post ni Sharon nitong Biyernes, Hulyo 14, makikita ang screenshot ng kanilang pag-uusap at kapansin-pansin ang pag-aalala’t pag-aalaga ni Alden.

Mababasa sa nasabing screenshot ang pagtatanong ni Alden kung kumusta na raw ba ang pakiramdam ni Sharon at ano ang pwede niyang maipadala dahil hindi makapagsalita ng maayos ang megastar.

Ayon naman kay Sharon, tinanong pa niya ang aktor kung maaari niyang ibahagi ang naturang screenshot dahil na-touch at proud siya sa pagmamahal na ibinibigay ni Alden  sa kaniya bilang bagong mama.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Asked Alden if I could post this. Only because am so touched (and proud) of the way he loves his new Mama!” aniya.

“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set!” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, miss na agad ni Sharon ang pag-arte at kaniyang mga katrabaho sa shooting ng kanilang pelikula.

“I miss shooting and my “A Mother and Son’s Story” family so much!” ani Sharon.

Samantala, kamakailan lang ay nagpasalamat sina Sharon at Alden dahil pasok ang kanilang pelikulang “A Mother and Son’s Story” sa unang apat na pelikulang nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023.