Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng umaga, Hulyo 15, na lumakas sa Tropical Storm ang bagyong Dodong at malapit na umanong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Dodong 305 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Sur, na may maximum sustained winds na 65 kilometer per hour malapit sa sentro at pagbugsong 80 kilometer per hour.

Kumikilos ito pa-hiliga hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour.

Wala naman nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang lugar sa bansa, at hindi na direktang magdudulot ng malakas na pag-ulan sa bansa ang bagyo, ayon sa PAGASA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, makararanas pa rin umano ngayong araw ng mga pagbugso dahil sa Southwest monsoon o habagat ang mga lugar sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, the silangang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dodong ngayong tanghali, Hulyo 16.