Tila halos matunaw na ang actor-dancer na si Enrique Gil sa pagtitig umano ni Nikko Natividad sa ginanap na launching ng kanilang bagong pelikulang kinuhaan pa sa Thailand.

Sa Instagram post ni Nikko nitong Huwebes, Hulyo 13, makikita sa larawang kasama niya si Enrique na siya namang nakangiti pa habang nakatitig sa mukha ng aktor.

Tatlong taon kitang hinintay Big Bird 🐣, mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Mukhang may pa-sikreto pang paandar si Nikko nang banggitin niya rin sa caption ang, “What happens in Thailand stay in Thailand.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa huli, binanggit pa ni Nikko na sa sobrang kinis ng mukha ni Enrique, muntik niya na raw itong dilaan.

“Kinis ng mukha ni Enrique Gil, muntik kong dilaan eh,” ani Nikko.

Samu’t saring nakatutuwang komento naman ng netizens ang mababasa sa comment section:

“Naniniwala akong dinilaan mo!! Ilabas mo picture!!! Congrats brother!!”

“Kinakabahan ako for Quen! Char!”

“Kumalma ka macky!”

“Sana all makinis hahahahaha. Napaka-gwapo naman kasi ni Enrique eh.”

“Kuya nikko nababakla ka na naman kay ken.”

“Waaah my two fave! Congrats Nikko and Quen.”

“Paano yung dilaan?”

Makasasama rin nina Enrique at Nikko sina Red Ollero, at Pepe Herrera sa kanilang pelikulang, “I Am Not Big Bird” sa produksiyon ng Black Sheep at Anima Studios na mapanonood sa sinehan ngayong taon.