Tila may pagpaparinig ang actor-singer na si Kyle Echarri sa kaniyang Instagram post na wala umano siyang ka-cuddle ngayong "cuddle weather" o malamig na panahon.

Sa Instagram post ni Kyle nitong Huwebes, Hulyo 13, makikita ang mga larawan niyang walang kasama, na tila mukhang senting-senti pa sa naturang lugar.

“Cuddle weather wala ka namang ka-cuddle,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Sa kabila nito, panay mention naman ang netizens kay Andrea Brillantes sa comment section.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

“BLYTHE OHHHH CHAROT.”

“Asan ka kasi Blythe!”

“Blythe, i-cuddle mo nga.”

“Bakit niyo minemention si blythe! HAHAHAHAHAHHA!”

“Blythe, nagpaparinig!”

“Huwag naman si Blythe.”

“Gagi ‘wag niyo i-mention si Blythe nakakahiya! HAHAHAHAHAHAHA!”

Kamakailan lang, kilig overload ang naramdaman ng netizens nang ibahagi ni Kyle ang magkasamang larawan nila ni Andrea.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/07/07/kyledrea-is-back-netizens-hindi-maitago-ang-kilig-kina-kyle-at-andrea/