Kai Sotto, pinaglaro na sa 2023 NBA Summer League
Kai Sotto, pinaglaro na sa 2023 NBA Summer League
Pinaglaro na rin si 7'3" Pinoy center Kai Sotto sa NBA Summer League sa Thomas & Mack Arena sa Las Vegas nitong Biyernes.
Ipinasok si Sotto sa pagsisimula ng second quarter ng laro laban sa Portland Trail Blazers kung saan natalo ang kanyang koponang Orlando Magic, 88-71.
Ito na ang unang pagkakataon na pinalaro si Sotto ng kanyang koponan.
Tatlong beses na ibinangko si Sotto sa laban ng koponan kontra Detroit, Indiana at New York. Natalo ang Orlando Magic sa mga nasabing laro.
Kumubra ng 6 points si Sotto, bukod pa ang tatlong rebounds, apat na blocks at isang assist sa 13 minutong paglalaro nito.
“I just wanted to impact the game. Sadly, we didn’t win, but there’s a lot to learn from this game,” pahayag ni Sotto.
Natapos ang kampanya ng Orlando Magic sa 0-4 record. Gayunman, magkakaroon pa ito ng consolation game laban sa Boston sa Linggo.