Dalawang suspek sa pananambang sa isang photojournalist sa Quezon City kamakailan ang iniharap na ng pulisya sa publiko nitong Biyernes.

Sina Jomari Dela Cruz at Eduardo Legaspi II ay kapwa nakatalukbong nang iharap sa mga mamamahayag sa Quezon City Police District sa Camp Karingal, Quezon City nitong Biyernes.

Sa pahayag ng pulisya, naunang dinakip si Legaspi sa Muntinlupa City nitong Hulyo 7 habang si dela Cruz ay inaresto sa isang bus terminal sa Cubao nitong Hulyo 13.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay suspek sa pamamaril kay Remate online photojournalist Joshua Abiad at sa mga kaanak nito, sa Corumi St., Barangay Masambong nitong Hunyo 29.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos