Nakapagtala pa ng 286 rockfall events sa Mayon Volcano kasabay pa rin ng patuloy na pagbuga nito ng lava sa nakaraang 24 oras.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala rin ang 10 pyroclastic density current (PDC) events at tatlong pagyanig ng bulkan.

Rumagasa naman ang lava mula sa bulkan at ito ay umabot ng 2.8 kilometro sa bahagi ng Mi-isi Gully.

Nasa 1.4 kilometro ang naapektuhan ng pagragasa lava sa Bonga Gully at nakitaan naman ng pagguho ng lava sa Basud Gully na umabot ng hanggang 4 kilometro.

Nasa 500 metrong usok ang ibinuga ng bulkan na tinangay ng hangin pa-kanluran at silangan-timog silangan mula 5:00 ng madaling araw ng Miyerkules hanggang 5:00 ng madaling araw ng Huwebes.

Nagpakawala rin ito ng 1,582 toneladang sulfur dioxide nitong Hulyo 12.

Nagbabala muli ang Phivolcs na posible pa ring sumabog ang Mayon Volcano anumang oras dahil sa walang tigil na pag-aalburoto.

Nananatili pa ring nasa alert level 3 ang bulkan, ayon pa sa Phivolcs.