"Proud manager moment" ang peg ni James Reid matapos maitampok sa isang lifestyle magazine sa ibang bansa ang alagang si Liza Soberano.

Ayon sa ulat ng Fashion Pulis, makikita ang video nina James at Liza sa Instagram page na "reidersofficial" kung saan makikitang ibinabalandra ni James ang hawak na kopya ng magazine, na cover page si Liza. Makikita namang ngingiti-ngiti lamang si Liza habang pababa sila sa escalator.

Enrique Gil itinuturing na 'home' ang ABS-CBN; handa na sa 'new path'

View this post on Instagram

A post shared by James Reid's REIDers (@reidersofficial)

Tila shiniship naman ng ilang netizens ang dalawa, na sana raw ay magkasama sila sa isang proyekto dahil parang bagay naman daw sila.

Si Enrique ay nasa Pilipinas na kamakailan lamang ay muling umingay para sa kaniyang showbiz comeback, matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, ang kaniyang home network.