Sa edad na 71-anyos, masayang umakyat ng entablado si Lola Ellen Rivera, mula sa Taguig City, para tanggapin ang kaniyang sertipiko ng pagtatapos sa elementarya.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig City, grumaduate si Lola Ellen sa Maharlika Integrated School nitong Miyerkules, Hulyo 12.

Sa pamamagitan umano ng malasakit ng mga kumupkop kay Lola Ellen at sa kaniyang pagpupursigi sa pag-aaral, nakaalis siya sa kahirapan at nakapagpatuloy sa pag-aaral makalipas ang mahabang panahon.

Hinikayat naman ng 71-anyos na lola ang iba pang senior citizens na huwag mahihiya kung nais din nilang mag-aral.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“Sana po pag matanda...pag mag-aaral ka po, 'wag ka mahiya. Bakit ako, hindi nahihiya,” aniya sa post ng Taguig City government.

Nagpasalamat din umano si Lola Ellen kay Mayor Lani Cayetano dahil sa handog ng lokal na pamahalaan ng Taguig City na mga sapatos, uniporme, at school supplies na napakinabangan niya sa kaniyang pag-aaral.

“Siya ay patunay na ang pag-aaral ay walang pinipiling edad,” saad naman ng Taguig City government.

Samantala, sa lalawigan ng Cebu ay 65-anyos na lola naman ang tagumpay na nakapagtapos ng senior high school.

MAKI-BALITA: 65-anyos na lola, nakapagtapos ng senior high school

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!