Nakapiit na ngayon ang dalawang lalaking wanted sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos silang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa magkakasunod na operasyon sa Pasay at Maynila kamakailan.

Kinilala ang dalawang akusado na sina Charly Rose Buban, 27, taga-Lope Compound, Tengco St., Pasay City, at John Andrew Madarang, taga-F. Muñoz St., Paco, Maynila.

Si Buban ay inaresto sa kanilang lugar nitong Hulyo 11 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 24 kaugnay ng kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 10175.

Dinampot naman ng pulisya si Madarang sa isang hotel sa San Marcelino St., Paco, Maynila.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang akusado.