Muling nagpamalas ng ka-sweetan si Vika Anaya, ang anak ng actress-TV host na si Jolina Magdangal-Escueta, matapos nitong palakasin ulit ang loob ng kaniyang ina.

Sa Instagram post ni Jolina nitong Martes, Hulyo 11, makikita ang kanilang “sweet selfie” ni Vika at ang handmade niyang tila isang message card.

Ikinuwento ni Jolina na habang nami-miss nila ang kanilang mag-ama na sina Mark Escueta at Pele Iñigo na kasalukuyang nasa Amerika, mas lalo naman daw siyang pinupuno ng pagmamahal ni Vika.

[embed]https://balita.net.ph/2023/07/07/like-mother-like-daughter-jolina-at-anak-na-si-vika-twinning-sa-kanilang-bangs/[/embed]

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Habang nami-miss namin si Kuya Pele at si Papa. Mas lalo akong pinupuno ng pagmamahal ng batang ito,” aniya.

Sa kabila nito, tila nasa timing pa raw ang pagbigay ni Vika ng naturang message card dahil kasalukuyang nakatulala siya noon habang iniisip ang kaniyang mag-ama.

[embed]https://balita.net.ph/2023/07/05/jolina-magdangal-naging-emosyonal-sa-pagkakawalay-sa-anak/[/embed]

“Saktong napapatulala ako kasi pumapasok sa isip ko ang pagka-miss namin sa mag-ama tapos bigla niya akong inabutan ng ginawa niya,” dagdag pa niya.

“VIKA LOVE MAMA. I WANT 2 LOVE U MAMA,” ang mababasang mensahe sa naturang message card.

Sa huli, grateful naman sa Panginoon si Jolina dahil bukod sa siya ang Mama ni Vika, ang anak niya rin ang nagbibigay-lakas sa kaniya.

“My sweet Vika, i am so grateful to Papa Jesus because He chose me to be your Mama. Ang liit mo pero ikaw ang nagbibigay sakin ng lakas,” anang Jolina.