Kaniya-kaniyang hula ang netizens kung sino nga ba talaga ang nasa likod ng larawang ibinahagi ng actress-TV host na si Jolina Magdangal-Escueta.

Sa Instagram post ni Jolina nitong Martes, Hulyo 11, makikita ang isang babaeng may pagka-“witch” daw na hitsura dahil sa taglay niyang maputing mukha, pointed nose at mahabang baba.

Bukod sa nabanggit na hitsura sa nasabing babae, kapansin-pansin pang tila nakapangingilabot sa pakiramdam ang kaniyang mga tinginan.

Sa kabila nito, mukhang game na game namang nagpahula sa netizens si Jolina sa nasabing babae sa naturang larawan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“May makahula kaya nito? Sige nga! 1, 2, 3 … GO!!!” anang Jolina.

Samu’t saring nakatutuwang reaksiyon at hula naman ang mababasa mula sa netizens na tila nadamay na rin sa good vibes ang ilang artista.

“Si Kuya Luis po.”

“Naging kamukha muna po si Paolo contis diyan.”

“Parang MPK Gladys Guevarra Life Story.”

“Hindi ko sinasabing magka-hugis kayo luis manzano pero parang ganon na nga charoot!”

“Ikaw po yan. Halata agad sa ilong at sa tingin ng mata.”

“Ate di kita nakilala hahahaahaha kung di ko pa nakita name mo, ay si ate jolens to??? Namiss ko tuloy ang your face sounds familiar.”

“Kahawig po ni Gladys Guevarra.”

Sa mga hindi nakakaalam, si Jolina mismo ang babae sa larawan na siyang naging role niya sa romantic-comedy film na “Lovestruck” bilang si “Jandra” na kasamang bumida sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Mike Tan noong 2005.

Kinumpirma ito ni Jolens matapos magkomento ng "Mismo!" sa isang nakahulang netizen.