Inispluk ni DJ JhaiHo ang mensahe sa kaniya ng Star Magic artist at Kapamilya star na si Janella Salvador hinggil sa isyu ng cryptic tweet niya, na pasaring daw dahil wala umano siya sa Star Magic Catalogue.

"Ah k. Noted," tanging tweet ni Janella, na may emojis ng star at magic wand.

Mabilis na nainterpret ng mga marites na patama ito ng aktres sa Star Magic na humahawak ngayon ng kaniyang showbiz career.

MAKI-BALITA: ‘Cryptic tweet’ ni Janella Salvador, patama nga ba sa Star Magic?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Inisa-isa muna ni JhaiHo ang mga nangyari hanggang sa mag-trending na nga ang "JANELLA DESERVES BETTER."

Dahil nga hindi na raw sumagot si Janella o wala nang karagdagang tweets o social media posts tungkol dito, nagpadala raw ng mensahe si JhaiHo sa aktres upang kunin ang kaniyang panig.

Disclaimer niya, ipinagpaalam muna niya kay Janella kung puwede itong ireport sa Marites University.

May pahintulot naman daw mula sa aktres na maipasabog ni JhaiHo ang kaniyang tugon sa isyu.

"Sure, no problem naman," anang Janella raw.

Ipinadala raw ni JhaiHo ang pinag-usapang cryptic tweet ni Janella mismo sa kaniya at kinomentuhang "Jea, hahaha, palaban!"

Reply daw ni Janella, "Palaban kung tama yung pinaglalaban. Valid naman siguro yung tampo ko (sad face)."

Segunda naman ni JhaiHo, "Totoo naman 'yan, Jea (palayaw ni Janella). We love you, tapos prayer..."

Sinabi pa raw ni JhaiHo na hindi na niya kakalkalin pa ang isyu dahil sa mismong tweet pa lang nito ay masyado nang malaman.

Pakiramdam ni JhaiHo, mukhang ang pinanggagalingan ni Janella ay hindi siya nabigyan ng tamang spot o space sa catalogue.

Ipinaliwanag naman ni JhaiHo na naging biru-biruan ng ibang handlers at talents kung "nagtampo" rin ba sila dahil hindi lahat ay naisama sa catalogue.

Tila paliwanag naman ni JhaiHo, matagal na raw kasing na-shoot ang mga artistang napabilang sa catalogue. Naganap ito noon pang 2021, sa kasagsagan ng pandemya. Three years in the making daw ito. Pati na rin daw ang mga napapanood na "Star Magic Exclusives" with the stars at road managers sa YouTube channel ng talent arm management ng ABS-CBN ay matagal na ring na-shoot.

Paliwanag naman ng isa pa nilang co-host na si Rose, tila nakita niya ang mukha ni Janella sa loob ng catalogue (mga dalawa pa nga raw) subalit hindi naman niya natukoy kung kagaya ba ng ibang "A-listers" na may solong kuha.

Sa tuwing nagla-launch daw ang Star Magic ng catalogue ay hindi na bago ang ganitong isyu.

'Let's give it to Janella, it's her feelings 'di ba, na-feel niya siguro na parang 'Ba't wala ako... or something... pero ang tingin ko diyan... kasi may nagdedecide din siguro, baka may factor din yung marketing... tingin ko maraming factor 'yan... who knows, baka sa next catalogue ng Star Magic, depende... hindi natin masabi, baka bonggang-bongga na rin naman si Janella by that time, kasama naman siya sa linya ng mga nandoon..."

Segunda naman ni JhaiHo, baka nasabi ni Janella ang tweet dahil sa mga nababasa niyang reactions ng kaniyang fans at followers. Isa pa, baka hindi rin niya nakita pa mismo ang catalogue.

Bukod kay Janella, tinalakay rin nila ang naging cryptic tweet ng isa pang Star Magic artist na si JC Alcantara, na naiugnay ng mga netizen na patungkol din sa isyu.

Nilinaw naman kagaad ni JC na walang kinalaman ang kaniyang tweet sa Star Magic.

MAKI-BALITA: JC Alcantara, nagsalita kung Star Magic ba ang binanatan sa isyu ng ‘favoritism’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Star Magic tungkol sa isyu.