Kinagiliwan ng netizens ang tila puro kapalpakan sa ginawang entry ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa isang trend kasama ang mister niyang si Mikee Morada.

Sa Instagram post ni Alex nitong Lunes, Hulyo 10, makikita ang ibinahaging video na imbes na maging kaakit-akit sa dapat na pag-awra, puro kapalpakan ang kinahinatnan niya.

Para sa unang kapalpakan na makikita sa video ay ang daliri ni Mikee na kitang-kita sa camera habang kinukuhaan sa pag-awra ang kaniyang misis na si Alex.

Sa kabilang banda, sinundan pa ito ng pagkakatapilok ni Alex habang ganap na ganap sa kaniyang pag-awra na kailangan sa nasabing trend.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon pa kay Alex, gusto lang naman daw niyang sumabay sa trend.

“Ang gusto ko lang naman sumabay sa trend! Nadapa na nga, kitang kita pa daliri ni Mikee nyemas 😦😦😑,” aniya.

Tila umayon naman daw ang pagkakaharang ng daliri ni Mikee sa camera dahil literal na may “finger” sa lyrics ng nasabing music background ng naturang trend ayon sa ilang netizens.

TAMA NAMAN SI KUYA AH? SAKTO YUNG FINGER NIYA NUNG NABANGGIT YUNG FINGER SA KANTA!”

“Literal na may finger.”

“Hahahahaha with his finger nga di po ba? Literal!”

“Sabay po sa lyrics na 'his fingers.”

“Hahahahahaha finger daw sabi eh!”

“Caught on Cam!”

Samantala, kamakailan lang ay matatandaang nadala ni Alex ang kaniyang pagiging “jejemon” nang sayawin ang “First Love” ng Repablikan sa ibang bansa.