Ipinagdiwang ng isa sa mga kilala at sikat na samahang mananayaw sa Pilipinas na “G-Force” ang kanilang ika-18 years sa industriya na ginanap sa The Theatre, Solaire.

Sa Instagram post ng G-Force nitong Lunes, Hulyo 10, makikita ang video at larawang kuha sa kanila at pati na rin sa mga nakilahok sa nasabing pagdiriwang.

Samantala, kapansin-pansin ang isang video na makikitang sabay-sabay na umindayog at humataw ang lahat ng nasa stage habang pinapangunahan ng founder ng G-Force na si Georcelle Dapat-Sy o mas kilala bilang “Teacher Georcelle.”

18 YEARS OF G-FORCE! Thank you for celebrating with us!! ? #GFORCEProject2023 Congratulations EVERYONE!! ?,” mababasang caption sa Instagram post.

Sa kabila nito, extended ang kanilang G-Force Project na magsisimula na sa Hulyo 24 hanggang Hulyo 28 at sa Hulyo 30 naman ang nasabing dance concert na gaganapin pa rin sa The Theatre, Solaire.

National

Sen. Kiko, di uurungan bantang ethics complaint ni Sen. Robin: 'Di uubra pasiga-siga sa akin!'