Muling nagpaandar ang Kapamilya singer-performer na si Darren Espanto nang i-flex niya ulit ang kaniyang topless body sa Ubud, Bali, Indonesia.

Sa Instagram post ni Darren nitong Lunes, Hulyo 10, makikita ang kaniyang tila paantak na larawan na kapansin-pansing lalong humuhubog ang katawan nito.

Kumpirmado at malinaw namang walang ibang kasama si Darren sa kaniyang sinabing solo trip.

“Took a spontaneous solo trip,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Subalit tila inintriga pa rin ng mga netizen kung sino nga ba talaga ang kasama niya.

Who took the pic?”

“Talaga ba walang kasama? memetey men? Joke! Labyu!”

“Solo? Wala ka kasama? Sana inform mo kami samahan ka namin.”

Sa kabila nito, mukhang hindi naman ma-take ng karamihan sa nagbigay-komento na netizens ang sineserve na hotness ni Darren.

Woww!! You're so hott!! Ang gwapo naman!!”

“Ang sarap naman dyan D!! Sana all na lang talaga! Enjoy your ‘me time’!”

“Apaka hot naman ng poging binata namin!!”

“Parang Hindi ka talaga 22 eh!! Baby face na hottie!”

“GWAPOO!! So hot!! Baby face pa rin.”

“POGI MO POOOO!!!”

“Dumagdag pa to sa global warming.”

Matatandaang nauugnay si Darren kay "Eat Bulaga!" host Cassy Legaspi, anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.