PAF, U.S. Air Force sanib-puwersa para sa defensive counter-air exercise sa Clark
Nagsanib-puwersa ang Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) sa isinagawang defensive counter-air (DCA) exercise sa Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga kamakailan.
Pinalipad ng PAF ang apat na FA-50 aircraft na sinabayan naman ng apat na A-10 Warthogs at apat pa na F-22 Raptors ng USAF.
Sinimulan ang air drills sa pag-take off ng mga sasakyang panghimpapawid sa nasabing military base at nagsagawa ng kunwaring DCA operations sa Military Training Areas East of Luzon.
Layunin ng nasabing bilateral exercise na mapalakas ang kanilang interoperability, diskarte, at masuportahan ang pangkalahatang kahusayan sa paglaban sa banta sa himpapawid.