Tila may hirit na agad ang Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” sa founder ng Miss Grand International na si Nawat “Angkol” Itsaragrisil ng Thailand.

Sa Instagram post ni Herlene nitong Linggo, Hulyo 9, makikita sa kaniyang larawan ang plakado niyang looks para sa ginanap na preliminary competition ng Miss Grand Philippines 2023 kahapon na matatandaang kasali ang Kapuso actress.

Kapansin-pansing may pa-open letter na agad si Herlene kay Angkol kahit hindi pa siya ang opisyal na nakasusungkit ng korona sa nasabing pageant sa Pilipinas.

Dear Angkol, ako nga pala si Budolerang Hipon. Baka ito na ang best time para sa Pilipinas. Baka naman ako ang matagal mong hinahanap. Promise ✋ hinding hindi kita Bubudulin!🤣🤣🤣!” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit hindi pa roon natapos ang hirit ni Herlene na nag-iwan pa ng kaniyang kwelang kasabihan para kay Angkol.

“Ako nga pala si Herlene Nicole Budol bente tres anyos at naniniwala sa kasabihan huwag mong subukan tangkain dayain at budulin ang Pilipinas this time, dahil ang lola ko mambabarang ay nariyan lamang naka bantay sa likod mo lamang. Chariiizzz!” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, nakuha pa niyang kumanta sa caption ng kaniyang naturang post.

“Angkol Angkol I am near, Crown me, Crown me i am here! 🎶,” anang Herlene.

Samantala, sa kabilang banda ng kaniyang mga kwelang hirit, tila hindi ito nagustuhan ng ilan sa netizens na nagbigay-komento ng kanilang talak:

“Sana hindi lang mukha ang ini-improve mo, unahin mo muna po ang pag-eensayo sa English.”

“I wish you were a whole package, but you’re lacking depth. It is your time to shine, but you made this journey into a circus. I don’t see the sincerity in you joining this pageant. It isn’t your dream, It’s someone else’s dream for you. This isn’t only a beauty and body competition. You are a spokesperson, a person that inspires other women to be the best version of themselves. You are to carry the Philippine flag if you were to be crowned with dignity, grace, and pride. If you are serious about this pageant journey, Make it a priority and do this for you and no one else. I hope you realize this and commit yourself. Good luck to you Herlene.”

“Okay na yung title mo as Hipon kasi natural body mo yon. Pero yung feeling beauty queen ka jusko hilaw na hilaw ka pa sis.”

“Naretoke lang pambato na ng Pinas. Haler kung pagiging retokada ka lang basehan mas maraming mas deserve non kesa sayo. Sila marunong sumagot ng english eh ikaw ano? i-dadaan lang sa PAAWA effect!”

“Wag mag assume na akala mo winner ka talaga.”

“Jusko assumera ka mahilig ka nga pala sa DOG.”

“Ayusin mo muna mga interviews at Q&A’s mo bago ka mangarap. Lagi mo dinodogshow eh, kala mo laging comedy!”

Nalalapit na rin ang final show ng “Miss Grand Philippines 2023” na gaganapin sa Hulyo 13, 2023 at idaraos naman sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, Metro Manila.