Magpapatupad ng dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Hulyo 11.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Seaoil, at Clean Fuel, nasa ₱0.20 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱0.75 naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ipatutupad naman ng Shell at Seaoil ang ₱0.50 na dagdag sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Dakong 6:00 ng umaga, ipaiiral ng Shell at Seaoil ang price adjustment at inaasahan namang magpapatupad ng kahalintulad na hakbang ang Clean Fuel dakong 4:00 ng hapon.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Inaasahang mag-aanunsyo rin ng bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis.