National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gawing libre ang Overseas Employment Certificate (OEC) ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Inilabas ng Pangulo ang direktiba sa naganap na pagpupulong na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), Bureau of Immigration (BI), at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Malacañang kung saan iniharap ng DMW ang kanilang Mobile App.

Idinahilan naman ni DMW Secretary Maria Susana ‘Toots’ Ople, hinihintay na lamang nila ang go-signal ng DICT para sa opisyal na paglulunsad ng "DMW Mobile App" upang matiyak ang cybersecurity features nito.

“Hinihintay lang naming ‘yung green light ng DICT para nakakatiyak tayo sa cybersecurity features ng app. After that, hopefully within the week ma-launch na siya,” ani Ople.

“Kaunting hintay na lang po. Kami po ay nakikinig sa inyo. Alam naming na napakalaking bagay ‘yung OEC. So, ginagawa po naming lahat para ma-address itong issue na ito with the use of technology. So, abangan niyo na lang po. Kaunting pasensya pa po pero malapit na ang ating launch,” aniya.

“And ang bilin lang niya tiyakin daw ng department na walang babayaran ang ating mga manggagawang migrante, ‘yung ating mga OFWs, sa paggamit nung mobile app, at pag-download at pagkuha ng OFW Pass,” dagdag pa ng opisyal.a