Binanggit ng opisyal ang mga Pinoy na nasa Khartoum na kabisera ng Sudan kung saan naiulat na laganap na ang insidente ng nakawan sa mga bahay.
Aniya, nananatili pa rin sa Sudan ang aabot sa 110 na Pinoy sa kabila ng ginagawang repatriation efforts ng pamahalaan
“Yung iba naman ayaw umuwi dahil may utang pa ‘yung employer sa kanila. Gusto mabayaran pa muna," anang opisyal.
Sa ngayon aniya, pinoproseso na ang repatriation ng 17 na Pinoy na dalawang linggo nang nananatili sa Port of Sudan.
“Hinihintay natin na maging available ang commercial flight uli. Dati kasi ang Saudi, naglilipad for free pero ngayon hindi na," ani De Vega.
Binigyang-diin pa ni De Vega, panahon na upang lisanin ng mga Pinoy ang naturang lugar dahil binabalewala naman ng magkabilang-panig ang ceasefire.
Raymund Antonio