Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic tweet ng actress-singer na si Janella Salvador na tila patama raw sa “Star Magic.”

Sa tweet ni Janella nitong Sabado, Hulyo 8, mababasa ang,

“Ah k. Noted. ,” saad ni Janella sa kaniyang Twitter post.

https://twitter.com/superjanella/status/1677526442916347905

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Bagama't walang ibang tinukoy si Janella kung para kanino o saan ang kaniyang tweet, kapansin-pansin umano ang paggamit niya ng emojis na "star" at "magic wand" na mabilis na iniugnay ng ilang netizens sa Star Magic.

Matatandaan namang hindi namataan ang actress-singer sa ginanap na “Star Magic Catalogue” noong Huwebes, Hulyo 6.

Sa kabilang banda, ayon sa mga chika ng kaniyang followers, hindi raw naisama ng Star Magic si Janella sa front page ng naturang catalogue.

Kaya’t tingin umano ng netizens, dito pumapatungkol ang recent tweet ni Janella.

Samantala, simula kahapon hanggang sa mga oras na ito ay trending pa rin sa twitter ang “JANELLA DESERVES BETTER” dahil dito.

Samu’t saring komento naman ng netizens ang mababasa sa naturang tweet ni Janella na nagbigay-komento:

“Mag Viva nalang  kayo ni Liza para reunion niyo with your beshy Julia movie for this three talented actresses.”

“The emojis are Star. Magic. Hmmm??? If you’re thinking of leaving go onto better pastures.”

“Lipat ka na sa Viva mas magiging Star ka doon. Unlike Star magic ngayon di gaya noong panahon ni Mr. M. Ang pangit talaga pamamalakad ni Dyogi. Favoritism talaga.”

“You deserved so much better. Am a big fan of yours and I saw the best of you of how strong person you are. You are so very dedicated in every work you do and you have a beautiful heart that's why many people love you this much.”

“Umalis ka na dyan sa bulok na star magic! Sumama kana kay Julia and Liza! They are not giving you importance despite of your talent and achievements!”

“SPILL THE TEA NAMAN PO MA'AM!”

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Janella o ang pamunuan ng Star Magic at ABS-CBN hinggil sa isyu. Ang Star Magic ay pinamamahalaan ni Direk Laurenti Dyogi. 

Matatandaang huling napanood sa telebisiyon si Janella bilang “Valentina” sa teleseryeng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" taong 2022.