Nasa 79 na pagyanig at 216 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Sa pagsubaybay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pag-aalburoto ng bulkan, bumuga na naman ito ng lava na umabot sa 2.8 kilometro, partikular na sa bahagi ng Mi-isi Gully.

Umabot naman sa 1.3 kilometro ang lava flow sa Bonga Gully.

Pitong pang dome collapse pyroclastic density current (PDC) events at walong lava front collapse PDC events ang naitala ng Phivolcs.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binanggit ng Phivolcs, bumuga na naman ang bulkan ng 973 tonelada ng sulfur dioxide nitong Hulyo 6.

Nakitaan din ng pamamaga ang bulkan o ground deformation na senyales ng patuloy na pag-aalburoto nito.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.