
(Manila Bulletin File Photo)
₱38M, 'di napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw
Walang nanalo.
Ito ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa resulta ng 6/49 Super Lotto draw nitong Huwebes ng gabi.
Umabot sa ₱38,193,042.40 ang premyo sa lumabas na winning combination na 41-20-38-46--03-47.
Inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang premyo nito sa mga susunod na bola nito.
Binobola ang 6/49 Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.