Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang naging life and love advice ng social media personality na si "Mimiyuuuh" dahil sa sinabi niyang "never ever date someone na walang pera."

Nagbigay ng payo si Mimi sa isang di-kilalang sender na may iniindang problema pagdating sa kaniyang dating

karelasyon, na mapapanood sa tampok na video ng isang lifestyle magazine.

"My ex and I broke up two months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya sisingilin. Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba 'to?" tanong sa kaniya.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Napagtanto raw ni Mimi na pagdating sa pakikipagrelasyon, huwag daw makipag-date sa isang taong walang pera.

"Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera."

"Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera."

"Hindi ko naman sinasabi na it really matters... Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo," aniya.

"I think dapat talaga siyang magkusa. And 'yon nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date ka ng walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera," payo pa ni Mimiyuuuh.

Aware si Mimi na hindi lahat ng tao ay pumabor sa kaniya, kaya sa pamamagitan ng isang video ay nagbigay ng paliwanag tungkol dito ang social media personality, lalo na't marami ang "below the belt" na ang banat sa kaniya.

May ilan pang nagsabing "matapobre" raw siya at tila hindi marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingang hirap.

Sa caption ng kaniyang Facebook post kung saan mapapanood ang kaniyang 2-minute video, pinanindigan niya ang kaniyang opinyon.

"‘WAG KAYONG MAGDATE NG MGA TAONG WALANG PERA!" aniya.

"Opo! Nagkaroon po ako ng interview with Cosmo, tapos nagbigay po ako ng mga advices, ganiyan, opo... and yes I said what I said about huwag pong makipag-date sa mga taong walang pera, you know what I'm saying, walang pera na hindi naman po ibig sabihin na mag-date po kayo ng mga milyonaryo, bilyonaryo... hindi po!" paglilinaw ni Mimiyuuuh.

"Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin yung sarili... yung hindi mangungutang sa inyo, 'yon lang po 'yon! Period!"

"Kaya nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi po nila na matapobre raw po ako, na para bang hindi raw ako galing sa hirap..."

Iginiit ni Mimi na galing siya sa hirap at alam niya ang pakiramdam na walang pera.

"Galing po ako sa hirap, opo, nakipag-date po ba ako noong wala akong pera? Hindi po. Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, opo, at the same time, alam ko po kasi yung priority ko, during that time."

"Priority ko pong ayusin ang buhay ko. Priority ko po ang family ko, priority ko ang career ko, opo, at priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko..."

"Kasi nga po, ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao..."

Giit pa ni Mimiyuuuh, malaya naman daw ang sinumang i-date ang nais nilang i-date, pero kung ikaw na mismo ay hindi kayang sustentuhan ang sarili pagdating sa basic needs at wants, huwag na lamang daw magdagdag ng responsibilidad.

MAKI-BALITA: Love advice ni Mimiyuuuh: ‘Never date someone na walang pera’