Kinagiliwan ng netizens ang Facebook post ng doktor at content creator na si Doc Alvin Francisco matapos niyang ibahagi ang kaibahan ng nakukuha niyang views para sa kaniyang informative videos online.

Sa Facebook post ni Doc Alvin nitong Lunes, Hulyo 3, makikita sa larawan ang pinagkumpara niyang mga screenshot ng kaniyang videos kung saan malaki ang kaibahan ng nakukuhang views sa usaping sekswal kumpara sa usaping kalusugan.

Makikitang umaabot ng milyong-milyong views kapag ang content niya ay pumapatungkol sa usaping sekswal tulad na lang ng epekto sa kalusugan sa panonood ng porn, tips para tumagal sa pakikipagtalik at marami pang iba.

Sa  kabilang banda, mapapansing hindi man lang umaabot ng isang libong views kapag usaping kalusugan na ang kaniyang content tulad ng paano alagaan ang kidneys, tips para sa hypertension at marami pa ring iba.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Bakit naman po ganito ,” mababasang caption sa kaniyang Facebook post.

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa 173K reacts, 8.9K comments at mayroon namang bilang na 2.1K shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.