Kamakailan ay naging usap-usapan magpa-hanggang sa ngayon ng Pinoy pageant fans si ‘Miss Globe 2021’ Maureen Montage na tila ginalaw ang baso para muling sumabak sa mundo ng pageantry.

Sa Instagram post ni Maureen nitong Sabado, Hulyo 1, makikita ang kaniyang video shoot na mapapansing laban na laban ang beauty queen sa mga pose nito at pag-awra niya sa kamera.

Wavy na may pagka-messy hairstyle ang atake ng kaniyang buhok na siyang tumugma sa fit niyang denim dress na lalong nagpahulma sa kaseksihan niya.

Mas agaw-pansin naman sa Pinoy pageants fans at maging na rin sa ibang kilalang beauty queen sa Pilipinas ang naging caption ni Maureen sa kaniyang Instagram post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Are you ready for #OneMaurReign 😉🤍,” aniya.

Samot-sari naman ang mga hula ng netizens na nagbigay-komento:

“Miss Universe PH sooner?”

“Are you still eligible to join either Miss World or Miss Universe ? You look like you can bring home another crown.”

“If sasali ka ulit, bagay ang Supranational title since di pa nag-increase age limit sa MU.”

“Miss SupraNational Ph 2024.”

“Wdym #OneMaurReign OMG UNIVERSE NA BA THIS?”

“Miss Supranational Philippines?!”

Matatandaang nasungkit ni Maureen ang titulong ‘Miss Globe 2021’ na ginanap sa Opera Theater sa Tirana, Albania noong Nobyembre 6.