Hindi napigilan ng Fil-Am professional basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. na mapakomento sa mga nag-aalab na litrato ng kaniyang girlfriend na si social media personality Zeinab Harake, na tumodo ang awrahan at pagbalandra ng kaseksihan sa isang beach sa Palawan.

Sa pag-iisa-isa sa gallery ng kaniyang Instagram post ay makikitang magkasama rin sila ni Bobby Ray na talaga namang nagpakita ng sweet moments habang nasa katubigan sila.

"Palawan vlog," simpleng caption ni Zeinab.

Sa comment section, mababasang nag-react dito si Bobby Ray.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Lock you up and throw away the key," anang boyfriend ni Zeinab.

Screenshot mula sa IG ni Zeinab Harake

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Plss wag mo LOLOKOHIN ZEBBY NAMIN!!! PLS HUWAG ka na po bumalik sa Japan para may tagapagtanggol Zebby namin."

"Huwag mo na pakawalan!"

"You really love her so much..."

"Pag niloko mo si Z lagot ka sa amin!"

"Nasaktan na nang malala, plssss wag mo na pakawalan 'tong babaeng tooo..."

Matatandaang matapos ang ilang buwang espekulasyon, inamin na rin ni Zeinab na magkarelasyon na nga sila ni Bobby Ray.

MAKI-BALITA: Zeinab sa relasyon nila ni Bobby Ray: ‘Sana wag mausog’