Kahit hindi pa man araw ng Biyernes ay napa-“Flashback Friday” na ang aktres-singer na si Nikki Gil-Albert ng kanilang larawan kasama ang mga kapwa niya na nakasama niya noon sa longest-running musical noontime show na "ASAP" sa ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Nikki kahapon ng Lunes, Hulyo 3, ibinahagi niya ang noon at ngayon nilang mga hitsura na glow-up kung glow-up talaga ang pagbabagong makikita sa kanila ngayon.

Tila star studded ang ibinahaging larawan ni Nikki kung saan makikita sila Anne Curtis, Shaina Magdayao, Iya Villania-Arellano at ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“Same same 🥰🥹 The design is very 2010 sa gilid ng asap stage lol missed you guys!

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

#HappyFoundationDay 😆,” mababasang caption sa Instagram post.

Samot-sari naman ang naging komento ng netizens:

“Bakit parang 20’s lang si shaina huhuhu feeling ko di sya tumatanda parang sa twenty lang sya hanggang huhuhuhu.”

“The OGs of ASAP!”

“LASSIC!! Pero tawang tawa ako sa #HappyFoundationDay.”

“Flashback to Thank you Asap Family, Freshlook contact lenses days! Lol.”

“The ASAP OGs! Sobrang nakaka miss kayo makita together.”

“I love these people for being so kind and true niki, shaina, iya, Jessie and Anne.”

“ASAP days!”

Makikita rin sa larawan na karga-karga nina Iya Villania-Arellano at Jessy Mendiola ang kanilang mga baby na sina Baby Astro at Baby Peanut.