Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ng sikat na social media personality/content creator na si “Mimiyuuuh’ tungkol sa pakikipag-date.

Nagbigay ng payo si Mimi sa isang di-kilalang sender na may iniindang problema pagdating sa kaniyang dating

karelasyon, batay sa pagtatampok sa kaniya sa isang lifestyle magazine, sa pamamagitan naman ng isang video.

"My ex and I broke up two months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya sisingilin. Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba 'to?" tanong sa kaniya.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Napagtanto raw ni Mimi na pagdating sa pakikipagrelasyon, huwag daw makipag-date sa isang taong walang pera.

"Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera."

"Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera."

"Hindi ko naman sinasabi na it really matters... Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo," aniya.

"I think dapat talaga siyang magkusa. And 'yon nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date ka ng walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera," payo pa ni Mimiyuuuh.

Hati naman ang naging reaksiyon at komento rito ng mga netizen.

"Never date someone na mukhang pera."

"True din naman... may point siya."

"Malamang dapat may anda 'yong guy pag nakipag-date ka siyempre alangan girl ang gumastos sa date n'yo kakahiya naman noh at kaka-turn off."

"Aw! Ok lang mag-date kung sincere ka sa ka-date mo.. hindi mo iha-hide na wala kang perang pang-date, sabihin mo na hindi kaya ng bulsa ang expenses. Pero may alternative na paraan para makapag-date kayo na hindi pagkakagastusan. At depende yan sa tao kung maluho or hindi. Also, sa date... hindi ka manghihingi or hiram ng pera. Pag ang date mo nanghiram ng pera sa'yo sa first or second date n'yo. Magduda ka na... red flag na 'yon."

"100% agree!"

"If you're dating for marriage it's a must."

"Akala mo naman hindi galing 'to sa hirap! So kung hindi ka naging mayaman ngayon, hindi ka dapat i-date? Hindi ka dapat mahalin? Nasaan ang (emoji ng utak) mo bhieeee??!! Dapat never date someone na walang PANGARAP SA BUHAY! Mas ok pa 'yan sa tingin ko. Sa akin lang naman bhie."

Wala pang tugon, reaksiyon, o komento si Mimiyuuuh tungkol sa nasabi ng netizens sa kaniyang pahayag.