Kaniya-kaniyang hula ang netizens sa tila “cryptic” caption ng aktor na si Seth Fedelin kaugnay sa larawang kuha nila ng ka-”love team” niyang si Francine Diaz.

Sa Instagram post ni Seth kahapon ng Sabado, Hulyo 1, makikita ang “sweet photos” nila ni Francine ngunit ang tila cryptic caption ni Seth ang pinagkaguluhan ng netizens.

abC….🖤,” mababasang caption sa instagram post ni Seth.

Magkakaibang hula naman ang netizens sa ibig sabihin ng caption ayon sa kanilang binigay na komento:

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“ABC? Aking Baby Chin whoooooah delulu 🤭💙.”

“Abc, aking binibining Chin.”

“Aking binibining Chin? 😌💙.”

“Aking baby Chin, pa confirm naman HAHAHAHA💙✨.”

“abC 'aking baby Carrel' ? Hahahahah Sorry delulu lang 🤸🤸.”

“halatang halata ung C capital letter pangalan ni Chin hahahaha patay na ko sa kilig neto😂.”

Magsasama namang muli ang dalawa sa kanilang bagong proyekto na "Fractured" na ipo-produce ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at KreativDen na mapanonood sa iWantTFC. Sa ngayon ay mapapanood sila sa seryeng "Dirty Linen."