Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:29 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 331 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 219 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensites sa mga sumusunod na lugar:

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.