Tila muling napahalakhak ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang netizens matapos sumayaw at may pa-kadyot sa mister nitong si Mikee Morada.

Mapapanood sa video na ipinost ni Alex ang kaniyang pagsayaw habang nasa Oslo, Norway silang mag-asawa.

Tanong ng asawa ko after nito ‘Bakit laging may kadyot sayaw mo?!’ 😂😂😂,” mababasang caption sa Instagram post ni Alex nitong Huwebes, Hunyo 29, 2023.

Dahil dito, aliw na aliw naman ang netizens at nagbigay-komento.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

“Sarap nyong panoorin and ang saya saya. yan talaga dapat ang ginagawa ng mag asawa yung bonding na may halong saya hindi laging serious.”

“Ahhahaha dabest ka talaga Mrs.Morada🔥❤️.”

“Kaloka ka talaga Alex 😂😂 asawa mo laging naiinis pag iba Na ginagawa mo🤣🤣🤣.”

“Finally my TikTok sa Norway 😂😂.”

“😂😂😂😂ano ba yan Alex yon asawa mo naggalit na 🫰🏼.”

“Rinig na rinig ko yung sinabi ni Mikee "OA naman" hahahahahhaha 😂.”

Hindi na bago ang mga ganitong kwelang sayaw kay Alex. Kamakailan lamang ay tuwad kung tuwad naman itong humataw kasama si Herlene “Hipon” Budol. 

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/06/25/alex-in-my-mommy-oni-era-tuwad-kung-tuwad-na-sumayaw-kasama-si-herlene/